NAGA CITY – Wala pang pinal na desisyong ipinapalabas ang Commission on Higher Education o CHED kung magkakaroon na ba ng Full Implementation ng Face-to-Face Classes sa isang state college sa Camarines Sur.
Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Charlie Balagtas, Planning Director at Public Information Officer ng Partido State University sa Camarines Sur.
Aniya, base sa kanilang mga naging pag-uusap, wala pang kautusan na ibinababa ang CHED sa ngayon kasi pinaghahandaan nila ang Hybrid Class Session kung saan nagsasagawa ng face-to-face classes ang mga courses na kailangan ng mga laboratory, mga major subjects para matiyak parin ang magandang kalidad ng edukasyon kahit nasa pandemya pa.
Ayon pa sa opisyal, susunod at nakahanda naman sila sa kung ano ang magiging desisyon ng nakatataas.