SSS, ipinagmalaking magreresulta ng 22-year extension ang ipatutupad nilang rate increase

Inihayag ng Social Security System (SSS) na magreresulta sa 22 year extension para sa kanilang mga higher member at employer contributions ang ipapatupad na rate increase sa susunod na taon.

Ayon sa SSS, inaasahang aabot hanggang 2054 ang fund life ng kanilang mga contributors.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Anila, batay sa kanilang unang projection matapos ipatupad ang isang libong pisong taas sa pension benefits noong 2017, tatagal hanggang 2032 ang naturang fund life.

Batay naman anila sa Social Security Act of 2018, kung saan mandato nito ang pagkakaroon ng gradual rate increases, inaasahang aabot hanggang 2044 ang fund life.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sa kabila nito, hindi sang-ayon ang Employers Confederation of the Philippines o ECOP sa naturang contribution increase.

Anila, hindi pa ito napapanahong ipatupad lalo pa’t unti-unti pa lamang bumabangon ang mga manggagawa at mga negosyante mula sa pandemya.