Sri Lanka, nagkansela ng mga pagsusulit dahil sa kakulangan sa papel

Kinansela ng Sri Lanka ang exams para sa milyon-milyong estudyante sa gitna ng nararanasang pagkukulang ng bansa sa papel.

Ayon sa Education authorities, indefinitely ang pagpapaliban sa mga exams dahil sa acute paper shortage ngayong nararanasan ng Sri Lanka ang pinakamalala nitong financial crisis mula nang maging independent ito noong 1948.

Ipinaliwanag ng department of education ng Western Province na hindi rin makapag-secure ang mga school principals ng kinakailangan na foreign exchange upang makapag-angkat ng papel at tinta.

Sa taya ng mga opisyal ay nasa two thirds ng 4.5 million na estudyante ng bansa ang apektado sa naturang desisyon.

Patuloy naman humihina ang ekonomiya ng Sri Lanka na dulot ng pagbaba sa foreign exchange reserves para mapondohan ang mahahalagang imports, na dahilang para magkulang na rin ang naturang bansa sa pagkain, langis, at mga gamot.

Mapapansin rin ang mahahabang pila ng mga tao na nangangailangan ng groceries at langis sa buong bansa.

Nagpatupad na ang gobyerno ng Sri Lanka ng rolling electricity blackouts at pagrarasyon ng powdered milk, asukal, bigas, at iba pa.