Nagpapasalamat ang grupo ng sugar producers sa pagpapahinto muna ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa conversion at distribution ng imported na mga asukal.
Ayon kay United Sugar Producers Federation (UNIFED) President Manuel Lamata, tama naman ang ginawa ng SRA dahil sumasadsad na ang presyo ng asukal sa gitna ng harvest season.
Aniya, mula P65 naging P50 ang farm gate price sa Negros simula nitong buwan ng Mayo.
Giit ng UNIFED President, ang makikinabang pa rin daw sa huli ay ang mga traders gayung sila ang nagdidikta ng presyo sa asukal.
Mungkahi ni Lamata, maaring magpataw ng regulated prices para sa asukal ang mga lokal na pamahalaan sa bansa.
Sa huli, inaasahan ng Pangulo ng UNIFED na kung bibili ang mga negosyante sa sugar producers ng P50 dapat raw ang retail price ng asukal ay nasa P70.
Mababatid na nasa 150, 000 metric tons ng imported na asukal ang mananatili munang nakareserbang stock.