Party-list solon, makikipag-ugnayan sa OWWA upang magbigay ng tulong sa pamilya ng mga nasawing Pinoy sa Israel

Nakatakdang makipag-ugnayan si House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA upang magkaloob ng tulong sa pamilya ng mga nasawing Pilipino sa Israel.

Kasabay ito ng pakikidalamhati ni Herrera sa pamilya at sa pag-asang magbubunga ang negosasyon para sa ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas militants upang bigyang-daan ang humanitarian aid at paglikas ng mga sibilyan.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Ayon sa mambabatas, tutulong din sila sa pagtanggap ng overseas Filipino workers na piniling sumailalim sa voluntary repatriation.

Suportado rin nito ang hangarin ng Department of Foreign Affairs na maging kasapi ng United Nations Security Council na makatutulong sa diplomatic measures ng gobyerno at pagkalinga sa mga OFW.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Pabor naman si Herrera na magpatupad ng relocation sa OFWs sa halip na sapilitang repatriation dahil magiging mas madali ito at mapapanatili ang trabaho at kita para sa pamilya sa Pilipinas.

Punto pa ni Herrera, bagama’t mayroong financial at livelihood assistance ang OWWA ay maaaring mahirapan ang mga kababayan na maghanap ng trabahong kayang pantayan ang sweldo sa Israel.