SRA, ibinahaging stabilize na ngayon ang suplay ng asukal sa bansa

Nag-stabilize na umano ang suplay ng asukal ngayon sa bansa.

Batay sa datos ng Sugar Regulatory Administration (SRA), lumalabas na ang kabuoang stock ng refined sugar ay nasa 228,000 metric tons (MT) mula September hanggang November 2022, o 91 percent na mataas kumpara sa datos noong nakaraang taon na 119,000 MT.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Dahil dito, pinuri ni Tatak Kalamay spokesperson Gerard Joseph Sarrosa si President Bongbong Marcos at SRA Administrator David Alba dahil sa pagiging cautious sa kanilang importation program.

Giit ni Sarrosa, sakaling itinuloy ng gobyerno ang pag-angkat sa 300,000 MT na asukal, ay mahaharap ngayon ang bansa sa oversupply na hindi maganda sa sugar producers.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Pinuri din nito ang pakikipagtulungan ng mga sugar refineries dahil sa pagtugon sa mga naunang panawagan mula kay SRA Administrator David Alba na magbalik sa kanilang operasyon ng mas maaga.