Ipinagtanggol ng Department of Trade and Industry ang price guide na nai-post sa social media na nagsasabing ang isang pamilyang may apat hanggang lima ay maaaring gumastos ng mas mababa sa P500 pesos para sa kanilang Noche Buena meal.
Nakatanggap ng backlash sa social media ang ahensiya matapos na mai-post ang price guide na nasasabing ang mga mamimimili ay maaaring bumili ng ng mga bundled products at mga produktong may diskwento upang matugunan ang kanilang budget.
Iginiit ni DTI Assistant Secretary Ann Cabochan na ang infographics ay sinadya upang maging isang adbokasiya, hindi para utusan ang mga mamimili kung ano ang dapat bilhin para sa Noche Buena.
Ayon sa price guide, ang mga mamimili ay makakabili ng spaghetti, pan de sal, salad, pork, ham at cheese lahat sa halagang wala pang P500 basta’t may mga pinakamurang brand at pagpipilian.
