Nakapagtala ang Pilipinas ng 8,292 na mga bagong kaso ng COVID-19 mula December 5 hanggang December 11, 2022.
Ayon sa Department of Health (DOH), na ang daily case average para sa naturnag linggo, ay nasa 1,185 na pitong porshentong mataas kumpara sa 8,032 infections na namonitor mula November 28 hanggang December 4.
Ito na ang pang-anim na sunod-sunod na linggo, nang mapaulat ng bansa ang mas kakaunti sa 10,000 na mga bagong kaso ng COVID-19.
Sa huling datos ng DOH, may karagdagang 156 na berepikadong COVID-19-related deaths.
Samantala, may kabuoang 650 severe at critical cases naman na inadmit sa mga ospital dahil sa COVID-19 as of December 11.
Sa kabilang dako, iniulat ng ahensya na mahigit 73 million na mga Filipino o 93.48% sa target ng gobyerno ang nakakompleto ng kanilang COVID-19 vaccine primary doses, habang 21 million individuals naman ang nakatanggap ng kanilang booster doses.
