Spill boom, inilatag na sa Roxas, Palawan

Nailatag na ang Spill Boom sa karagatan sa pagitan ng Dumaran at Roxas Palawan nitong Martes, na pinagutulungang buuhin ng Bantay Dagat- Roxas at mga opisyal ng barangay.

Read More:  Maguindanao del Norte barangay captain survives shooting attack

Ayon sa ulat ng Lokal na Pamahalaan, ang spill boom ay may habang walong-daang metro na magsisilbing oil trap sa katubigan.

Bagama’t wala pa umanong namamataang oil spill sa baybayin ng Roxas, patuloy parin ang kanilang monitoring at paghahanda dito.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Samantala, nananawagan ang LGU sa mga kababayan na agad ipagbigay alam sa kanila kung may makitang nagkalat na langis sa karagatan ng Roxas.