Cavite-Bataan bridge, itatayo sa katapusan ng 2023

Nakalinya na ngayong katapusan ng taon ang pagtatayo ng 32 kilometrong tulay na magkokonekta sa Cavite at Bataan.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, P175 bilyon na pondo ang inilaan sa Bataan-Cavite bridge project sa pamamagitan ng Official Development Assistance mula sa Asian Development Bank.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ang naturang inter-island bridge ay mayroong apat na lane na tatawid sa Manila Bay hanggang Corregidor Island.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Target ng gobyerno na matapos ang konstruksyon sa loob ng limang taon at mapakinabangan agad ng mga motorista.  

Dahil dito, sa halip na limang oras ay magiging dalawang oras na lamang ang biyahe o travel time sa naturang mga lugar.