SPES program nagsimula nang tumanggap ng aplikante

SORSOGON CITY – Nagsimula kahapon, Marso 23 ang pagtanggap ng mga estudyanteng aplikante para sa summer job sa lalawigan ng Sorsogon.

Bahagi ang Special Program for Employment of Students (SPES) ng pagtutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Provincial Government.

Sa pahayag sa Brigada News ni SPES Officer-in-Charge Ma. Elsie Toca, nasa higit 1,000 nang aplikante ang kanilang natanggap, subalit 160 lamang dito ang pwedeng ma-accommodate sa kasalukuyang budget ng DOLE.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Magiging 60-40 percent ang hatian kung saan aakuin ng panlalawigang pamahalaan ang mas malaking porsyento.

Magkakaroon naman ng karagdagan pang 54 katao na sasagutin naman ng provincial government.

Isa sa mga nakapilang aplikante ngayong taon ang 3rd year student ng Sorsogon State University na si Lea Faye Sapitan ng Brgy. Buhatan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station
Si Lea Faye Sapitan habang kapanayam ng reporter ng Brigada News

Ayon dito, kung makakapasa siya sa screening ngayong taon, ito na ang kanyang pangalawang taon bilang “SPES Baby”, ang tawag ng pamunuan sa mga naging bahagi ng programa.

Bubunuin nya ang 20 araw ng trabaho sa napiling ahensya ng gobyerno para matanggap ang lagpas sa 9K allowance na makukuha. Magiging pandagdag baon niya umano ito kung sakali, sa susunod na pasukan.