Monitoring sa mga landslide sa Lake Sebu, nagpapatuloy

KORONADAL CITY — NAGPAPATULOY pa rin ang monitoring ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO – Lake Sebu sa mga barangay na nakapagtala ng landslide o flash floods dahil sa mga nararanasang pag-ulan.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sa panayam ng Brigada News Fm Koronadal kay MDRRMO Officer Roberto Bagong, sinabi nito madalas ang nangyayaring landslide sakaling may pag-ulan dahil landslide-prone area ang Lake Sebu.

Nitong mga nakaraang araw, may mga barangay umanong nakapag-report ng landslide at flashfloods ngunit wala namang nasugatan o namatay sa mga insidente.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Patuloy din umano ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga barangay upang masigurong ligtas ang mga residente sa nabanggit na kalamidad.