Hindi na makakalaban ni Senator Manny Pacquiao si Errol Spence Jr. sa August 21.
Sinabi ng kompanya na nagpo-promote sa laban na dahil ito sa retinal tear sa kaliwang mata ng American boxer.
Inihayag ni Spence na excited siya sa naturang laban, ngunit dahil sa eye injury na nakita ng mga doktor sa kaniyang mata ay kailangan na niya sumailalim sa surgery sa lalong madaling panahon.

Humingi naman si Spence ng paumanhin sa lahat, at sinabi na muli siyang babangon.
Kaugnay nito ay papalitan naman ni World Boxing Association welterweight champion Yordenis Ugas si Spence kung saan ay itataya nito ang kaniyang titolo.
Sa isang tweet naman ay sinabi ni Pacquiao na ipinagdarasal niya ang paggaling ni Spence.