SPED, nanatiling matatag sa kabila ng kakulangan ng sapat na pondo – DepEd-Sorsogon

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) Sorsogon Provincial Divisions Office na nanatili pa rin na maayos ang implementasyon ng mga programa sa ilalim ng Special Education Program (SPED).

Ayon kay Schools Divisions Superintendent Jose Toots Doncillo, ang base sa kanilang monitoring, bagama’t kinakapos ngayon sa pondo ay mayroon namang nakukuha mula sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ang bawat SPED sa bawat paaralan sa lalawigan kung saan talagang nagiging masinop ngayon ang mga guro sa SPED pagdating sa mga mapagkukuhanan ng pondo at tulong mula sa mga stakeholders.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod
Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Matatandaan na hindi nababaan ng budget ngayon ang DepEd para sa SPED na ikinabalaha ng marami dahil sa libo-libong mag- aaral na may kapansanan na dapat sana ay nabibigyang prayoridad ng gobyerno.