Pagtatakda ng presyo ng buhay at karne ng baboy sa bayan ng Juban, aprubado na

Aprubado na ng Sangguniang Bayan ng Juban ang pagtatakda ng presyo ng mga buhay at karneng baboy.

Sa Resolution No. 065-2022 na inilabas ng Sangguniang Bayan, aabot sa P150.00 ang bawat kilo ng buhay na baboy na may timbang na 70kilos pataas at P140 naman bawat kilo ang may timbang na 70kilo pababa, P80 naman ang bawat kilo ng inahin o ‘pakal.’

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Sa karne naman, aabot sa P260 hanggang P280 ang bawat kilo.

Ayon pa sa SB, tugon aniya nila ito sa hinaing ng mga hog raisers sa patuloy na pagkalugi dahil sa pag bagsak ng presyo ng baboy nitong mga nakaraang buwan.

Read More:  Drunk passenger stabs fellow bus rider in Cebu

Gayon din ang pag konti ng bilang ng mga nag- aalaga ng baboy dahil sa nasabing bagsak presyo.