DOJ, naglabas na ng subpoena laban kay Bantag kaugnay sa Percy Lapid case

Inilabas na ng Department of Justice ang subpoena laban kay suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag.

Ito pa rin ay hinggil sa pagkakasangkot nito sa pagkamatay ng brodkaster na si Percy Lapid at ang middleman sa krimen na si Jun Villamor.

Bago ito, una nang pinag-isa ng DOJ ang tatlong mga murder charges na isinampa laban kina Bantag at ang self-confessed gunman na si Joel Escorial.

Binuo na rin ang three-man panel na hahawak sa mga naturang kaso.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Kabilang na rito sina Deputy State Prosecutor Olivia Torrevillas, Senior Assistant State Prosecutors Josie Christina Dugay at Charlie Guhit.

Una ng nanindigan si Bantag na hindi ito sususko kahit na mayroon nang ilabas na warrant of arrest laban sa kanya.

Ginawa ni Bantag ang pahayag sa isang panayam, bago pa man ang nakatakdang paglalabas ng Department of Justice ng subpoena laban sa kanya.

Sinabi ni Bantag na hindi ito susuko sa mga otoridad hanggat mananatili si Justice Secretary Boying Remulla sa puwesto.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Nanindigan din itong mina-nupulate at pinulikika lang daw siya ni Remulla.

Isiniwalat din niya na Agosto pa lang umano ay alam na niyang papalitan na siya ni BuCor OIC Gregorio Catapang Jr.

Una na niyang ipinanawagan ang pagbibitiw sa puwesto Justice Secretary pero binalewala lang ito ng DOJ at sinabing sumuko na lang si Bantag.

Samantala, kinumpirma rin ni Bantag na nag-alok na itong mag-resign.