Special Task force, binuo na ng DOJ para imbestigahan ang nasa 20 kaso ng pagpatay sa Negros Oriental

Bumuo na ng special task force ang Department of Justice para imbestigahan ang 20 mga pagpatay sa Negros Oriental kabilang ang kaso ni Gov. Roel Degamo.

Read More:  Remulla calls Isabela Vice Mayor’s conduct ‘inexcusable’

Ang binuong task force ay matapos hilingin ni Sen. Francis Tolentino sa pagdinig sa Senado kaugnay ng Degamo slay case.

Sinabi ni Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres, na para sa convenience  ng mga testigo at mga complainants , ang mga gagawing pagdinig ng task force ay maaaring isagawa sa Cebu o sa Maynila, depende sa kahilingan ng mga testigo.

Read More:  House prosecution drops Sara Duterte bribery charge

Tutulungan rin aniya ng Witness Protection Program  ng DOJ ang mga testigo na humarap sa Senate panel.//CA