Suspensiyon ng barangay, SK polls sa Negros Oriental, hiniling ng isang Senador

Patuloy na nababahala si Sen. Francis Tolentino sa kasalukuyang political atmospheres sa Negros Oriental.

Dahil rito, iminungkahi ni Tolentino sa pagdinig sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay ng Degamo slay case, ang pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa October 30.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Hiniling ng senador kay panel chair Sen. Ronald Bato dela Rosa na imbitahan ang Commission on Election sa susunod na pagdinig para pag-usapan ang panukala.

Read More:  NBI recommends charges against Tab Baldwin over deaths of Baterbonia and Adili

Ang biyuda ni Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo, na naroroon sa pagdinig, ay wi-nelcome ang panukala ng Senador.//CA