Mahigit 80% ng mga Filipino, nagtitiwala kina Pang. Marcos Jr. at VP Duterte

Mahigit 80 percent ng mga Pilipino ang nagtitiwala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Batay ito sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research group na isinagawa noong March 24 hanggang March 28, 2023 sa 1, 200 respondents.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Ipinakita ng resulta ng survey na may 83% ang trust rating ng Pangulo habang 87% naman sa Pangalawang Pangulo.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ang pinakamataas na satisfaction rating ni Marcos ay nasa Visayas sa 89% habang si Duterte ay nasa Mindanao sa 92%.

Naitala naman sa National Capital Region ang pinakamababang satisfaction rating ng mga opisyal sa 73% at 76%.//CA