LEGAZPI CITY – Isinagawa ang pagputol ng mga sanga ng mga punong kahoy sa iba’t ibang parte sa lalawigan ng Albay bilang paghahanda sa typhoon season.
Ang aktibida ay pinangunahan ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO).
Ito ay nagsimula noong Agosto 24 at nakatakdang magtapos sa susunod na buwan o hanggang sa matapos at malibot ang iba’t-ibang bahagi ng Albay.
Isa sa mga layunin ng hakbang na ito ay para maiwasan ang pagbagsak ng mga kahoy o malalaking sanga nito sakaling makaranas ang lalawigan ng sama ng panahon kasunod ng inaasahang marami mga bagyong maaring pumasok sa bansa bago matapos ang taon.
Ito ay sa pakikipagtulungan rin ng Provincial Engineering Office (PEO), Provincial Government Services Office (PGSO), Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), Department of Public Works and Highways (DPWH), at Albay Electric Cooperative (ALECO).