SP Pro Tempore – umaasang matatalakay ng Pangulo sa kanyang SONA ang usapin tungkol sa wage hike

Umaasa si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na matatalakay mamaya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang tungkol sa mga mahahalagang isyung kinahaharap ng mga Pilipino.

Kung saan unang una na umano rito ang tungkol sa usapin ng wage hike sa gitna ng inflation rate o pagtaas ng mga bilihin.

Read More:  DSWD provides financial aid to students injured in Tacloban school shooting

Anya, kailangang matiyak ng pamahalaan na sapat ang sahod ng bawat manggagawa upang magkaroon sila ng maayos na pamumuhay.
Maliban pa rito, inaasahan din ni Estrada na matatalakay ng Pangulo ang mga hakbang na makakatulong sa pagpapaigting ng depensa ng bansa pqra sa soberanya nito.

Read More:  Comelec reports successful BARMM election system simulation

Sa kabuuan, binigyang-diin ng senador na inaasahan niyang mabibigyan ng malinaw na direksyon ng Pangulo ang bansa hinggil sa kinahaharap nitong hamon at oportunidad.