‘Safety net’ para sa mga manggawa ng POGO kung sakaling i-ban ito, panawagan ng isang senador

Ipinunto ni Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na marapat lang na mapangalagaan ang kapakanan ng bawat Pilipinong nagtatrabaho sa mga kumpanya ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) kung sakaling i-ban o ipagbawal ito sa bansa.

Read More:  De Lima urges Senate to fulfill constitutional duty on VP Sara impeachment

Lumalabas kase sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mula sa isinumite ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na nasa kabuuang 25,064 na Pilipino ang nagtatrabaho sa POGO nitong nakaraang taon.

Dahil dito, ipinanawagan ng senador ang pagkakaroon ng ‘safety nets’ para sa mga posibleng mawalan ng trabaho kung ipagbawal na ang POGO sa bansa.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Ayon kay Gatchalian, upang magawa ito, kailangang makapaglatag ang pamahalaan ng transitory mechanism tulad ng employment para sa mga ito at pag-uupskill o reskilling sa kanila.