SP Legazpi, inaprubahan ang resolusyong maglagay ng water supply mula sa LCWD para sa posibleng paglilikas ng mga residente sa lunsod dahil sa Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Inaprubahan na ng Sangguniang Panlungsod ng Legazpi ang resolusyong isinulong ng Konsehal na si Alex Jao na naglalayong maglagay ng mga water supply system sa ilang mga evacuation centers sa lungsod ng Legazpi.

Ito ay kung sakailli mang kailanganing ilikas ang mga residenteng sakop ng extended permanent danger zone (PDZ) na apektado sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon at kung sakali mang itaas pa sa mas mataas na alert level status ang nasabing bulkan sa lalawigan ng Albay.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Ang nasabing mga water supply system, ay hihingiin pa mula sa Legazpi City Water District (LCWD).

Ayon sa konsehal, kailangan umanong maihanda ang lahat ng mga gagamiting mga temporaryong mga tutuluyan ng mga bakwit pati na ang tubig na kanilang gagamitin.

Inaasahan na rin ng lokal na gobyerno ng Legazpi na aabot sa 4,000 na indibidwal ang estimated na magiging mga evacuees.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ang mga residente ay manggagaling pa sa mga barangay ng Padang, Bonga, Bagong Abre, Pawa, Dita, Bigaa, Matanag Mabinit at Buyoan.

Ayon pa kay Jao, hihilingin din sa LCWD na gawing libre ang makukonsumong tubig ng mga evacuees para hindi na maging problema pa ang gastos sa tubig dahil nasa ilalim din umano ang lungsod sa kalamidad.