Kasalukuyang pag-alburoto ng Bulkang Mayon, itinuturing na strombolian type; seismic data, nananatiling mataas

LEGAZPI CITY – Tinawag na strombolian type ang kasalukuyang estado ng pag-alboroto ng bulkang Mayon.

Ayon sa Dr. Cedric Daep ang namumuno sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), ito ang uri ng sitwasyon ng bulkang ngayon base sa mga naitalang mga datos magmula ng itaas ito sa Alert Level 3.

Read More:  Four missing after vehicle plunges into Tarlac River following Agana bridge collapse

Aniya, hindi pa umano ito explosive ang nangyayari sa bulkan at puro lava lamang ang inilalabas nito, kapareho ng nangyari noong 2014 at ng Disyembre 2009.

Samantala, nanatili namang mataas ang seismic data ng bulkan dahil sa dumaraming bilang ng rockfalls events at iba pang aktibidad.

Read More:  MILF convoy stopped at Lanao del Norte checkpoint

Dagdag pa rito, malayo na rin ang inaabot ng daloy ng lava mula sa crater ng nasabing Bulkan.

Sa ngayon, nakahanda naman ang opisina sa mga posibleng mangyari sa mga susunod na araw o buwan.