5 finalists sa Layag Festival street dance competition, nakatanggap ng PHP25K mula sa PGA

LEGAZPI CITY – Nakatanggap ngPHP25,000 mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ang limang finalists ng Layag Festival Street Dance Competition.

Ayon kay Gov. Edcel “Grex”Lagman, tuloy-tuloy ang mga programa at proyekto ng PGA sa isla ng Rapu-rapu, Albay.

Ayon pa kay Lagman, tuloy pa rin ang buhay kahit na araw-araw na pumupunta at bumibisita ang mga opisyal ng Albay sa mga Evacuation Centers (ECs).

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Dapat umanong panatilihin ang atensyon sa iba pang bagay na kapantay rin ng mahahalagang proyekto, programa at aktibidad sa lalawigan ng Albay.

Sa tulong ng pagsasanib pwersa ng Office of the Governor kasama ang Albay Provincial Health Office (PHO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Albay, Albay Provincial Agricultural Office (APAO), Provincial Veterinary Albay, at ng Provincial Engineer’s Office (PEO) sa Camalig, Albay, naisagawa ang matagumpay na pagbisita ng PGA sa Rapu-rapu, Albay.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Isa sa mga naisagawang aktibidad maliban sa pagbibigay ng cash incentives sa mga mananayaw sa nasabing festival street dance competition, nakapagsagawa rin ng payout na P1,500.00 bawat isa sa 515 Senior Citizen sa kanilang 2nd quarter payout.