SP Escudero – umaasang magiging kalmado sina Sen. Cayetano, Sen. Binay sa gagawing pagdinig mamaya re: New Senate Building

Wala umanong nakikitang dahilan si Senate President Chiz Escudero para kausapin pa sina Senadora Nancy Binay at Senador Alan Cayetano bago ang muling pagdinig mamaya ng Senate Committee on Accounts hinggil sa New Senate Building.

Ito ang kanyang naging pahayag matapos ang kamakailang naging sagutan ng dalawang senador dahil sa budgetary cost estimate ng gusaling itinatayo sa Taguig City.

Anya, pareho namang maituturing na beterano ang dalawang senador dahil naglingkod na ang mga ito ng mahigit sampung taon sa Senado kaya batid niyang alam na ng mga ito ang dapat at nararapat nilang gawin at iwasan.

Kaugnay nito, umaasa ang senador na mananaig ang pagiging kalmado ng dalawa kung sakaling magsama muli ang mga ito sa ikakasang pagdinig mamaya.

Maalala, nitong Lunes ay naghain ng ‘ethics complaint’ si Binay laban kay Cayetano dahil sa di umano’y unparliamentary manner at derogatory words na sinabi nito noong nakaraang pagdinig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *