SP Escudero – tiniyak na walang magiging epekto sa pag-apruba ng budget ng OVP ang naging mainit na sagutan ni VP Sara at Sen. Hontiveros

Naniniwala si Senate President Chiz Escudero na napamahalaan nang maayos ni Senate Committee on Finance, Chairperson, Grace Poe ang naging budget deliberation kahapon ng Office of the Vice President (OVP).

Sa nasabing deliberasyon, nagkainitan sa pagitan nina Vice President Sara Duterte at Senadora Risa Hontiveros hinggil sa P10 milyon item para sa pamamahagi ng librong ‘Isang Kaibigan’.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Ayon kay Escudero, sa tantiya niya valid naman ang naging katanungan ni Hontiveros hinggil sa mga programang mayroon ang OVP at maging sa lalamanin ng iniakdang libro ni Sara.

Kasunod nito, nanawagan siya sa mga pinuno ng ahensiya na maging mahaba lang ang pasensya sa pagsagot sa mga katanungan ng mga senador.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Samantala, tiniyak naman niyang walang magiging epekto ang mainit na sagutan ng dalawa sa pag-apruba sa pondo ng OVP.

Anya, marapat lang na hindi mahaluan ng emosyon ng institusyon ang pag-apruba sa anumang pondo ng mga ahensya ng gobyerno.