Paiimbestigahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) alegasyon ni Vice President Sara Duterte na namumulitika ang tulong ng gobyerno.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, makikipag-ugnayan siya sa opisina ni VP Sara para makuha ang lahat ng detalye para maimbestigahan ang isyu nang mabuti.
Kahapon, sinabi ni Duterte sa hearing para sa 2025 proposed budget ng OVP na may pagkakataon na tumanggi ang DSWD na magbigay ng tulong pinansyal sa mga proyekto na ine-endorse ng OVP.
Dagdag pa niya, marami nang ibinibigay na endorsement sa DSWD, pero ang kadalasang sagot ay hindi pwede dahil mula ito sa Office of the Vice President.
Samantala, tiniyak naman ni Gatchalian na nabibigyan ng assistance ng DSWD ang sino mang nangangailangan nito, may referral man o wala.
Sa huli, binigyang-diin ng kalihim na layunin ng ikakasang imbestigasyon na alamin kung may paglabag na nagawa ang DSWD personnel.