SP Escudero – nanawagang ‘wag nang patulan ang tumitinding tensyon sa WPS

Umaasa si Senate President Chiz Escudero sa paghupa ng tensyong nabubuo sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Phillippine Sea matapos ang kamakailang pag-agaw ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga suplay na nakalaan para sa mga Pilipinong nandoon.

Read More:  DepEd warns students against fake news, pranks, and bomb threats

Ani Escudero, walang sinuman ang gustong magkaroon ng digmaan sa rehiyon lalong lalo na kung ang bansa pa ang mismong magsisilbing battle ground.

Alinsunod nito, nanawagan siya sa publiko at maging sa mga kinauukulang opisyales na huwag ng patulan pa ang China at manatiling mahinahon upang hindi na umigting pa ang tensyon dito.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Anya, maari ring subukan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalhin ang isyu tungkol dito sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang makatulong sa posibleng pagtataguyod ng kapayapaan.