Mahigit 1,400 indibidwal – nananatili sa mga evacuation centers habang inoobserbahan ang aktibidad ng Mt. Kanlaon

Nasa 1,407 na mga indibidwal ang nananatili sa mga evacuation cennters sa Negros Occidental at Oriental habang inoobserbahan ang aktibidad ng bulkang Kanlaon.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Managament Council (NDRRMC), katumbas ito ng 419 na mga pamilya na pansamantalang nanunuluyan sa 11 evacuation centers.

Pinakamarami sa mga naitalang evacuees ay sa Negros Occidental sa 1, 252 individuals o 372 families.

Ang mga ito ay mula sa Bago, La Carlota, La Castellana, Moises Padilla at Pontevedra.

Habang 155 individuals o 47 families ang kasalukuyang nasa evacuation centers sa Canlaon , Negros Oriental.

Samantala, nasa 1.3 million pesos na halaga ng tulong ang naibigay ng pamahalaan na kinabibilangan ng Family Food Packs, sleeping kits at Financial assistance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *