Iginiit ni Senate President Chiz Escudero sa naging Kapihan sa Senado na wala pa siyang name-meet na sinumang elected officials na tila masasabi niyang ‘Chinese man’.
Ito ang kanyang naging pahayag kasunod ng sinabi kahapon ni Senador JV Ejercito na may ilan siyang na-meet na elected officials na masasabi niyang Chinoy.
Bilang tugon dito, kung may pagdududa at basehan naman umano si Ejercito hinggil dito ay dapat lang niyang ipagbigay alam ito sa Commission on Elections.
Dagdag pa niya, maari rin itong maghain ng kaso upang i-disqualify ang mga ito sa paghawak ng anumang pampublikong opisina o pwesto kung may sapat siyang basehan.
Maalala, ayon sa COMELEC, ministerial ang kanilang duty ibig sabihin wala silang karapatan na tumanggi sa anumang certificate of candidacy na inihain sa kanila.