PNP, inaalam kung paano nakakuha ng access ang scammer na si Maslog para makabisita sa PNP Custodial Center

Inaalam na ng Philippine National Police kung papaano nakakuha ng access ang scammer na si Mary Ann Maslog para makabisita sa ikalawang pagkakataon kay Alice Guo sa PNP Custodial Center.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief BGen. Jean Fajardo, tanging mga abogado at spiritual adviser lang ang may pahintulot na makadalaw ssa mga nakakulong sa custodial facility.

Read More:  DepEd urges schools to partner with parents to prevent school violence

Kaya iimbestigahan kung may nalabag protocol dito.

Nauna nang inamin ni dating intelligence chief BGen Romeo Macapaz sa pagdinig sa senado na una niyang sinamahan si Maslog at Abogado ni Guo na si Atty. Stephen David sa Custodial Center para pigain si Guo sa ilang impormasyon.

Read More:  INC opposes planned plunder case against Marcoleta

Subalit itinanggi na ni Macapaz ang kanyang partisipasyon sa ikalawang beses na pagbisita doon ni Maslog.