Cybersecurity protection, dapat pagtuunan ng pansin para sa digital economy

Binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos ang pangangailangan sa pag-i-invest para sa cybersecurity protections upang maiangat pa ang digital economy sa mga susunod na taon.

Kasabay ng ASEAN Summit sa Lao, sinabi ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng ASEAN Digital Economy Framework Agreement (DEFA), mahalagang mag-invest sa seguridad online; ihanda ang mga tao sa digital skills; at magtayo ng digital infrastructure.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Dagdag pa nito, dapat ipagpatuloy ng ASEAN member states ang kanilang connectivity, at panatilihin ang katatagan upang matiyak na handa ang lahat sa mga hamon at pagbabago sa mga susunod na panahon.

Mariing sinabi ng presidente na dapat maglatag ng groundwork para sa ligtas at mapagkakatiwalaang digital environment na makapagtutulak sa ASEAN sa ‘new era of innovation, growth, and opportunity.”

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Mababatid na sa Pilipinas, inaprubahan na ni Pangulong Marcos ang National Cybersecurity Plan for 2024–2028 para makapagbigay sa bansa ng operational guidelines pagdating sa pagbuo ng maayos na cybersecurity.