Naka-duty na muli sa West Philippine Sea si Seaman First Class Jeffrey Facundo matapos maayos at maibalik ang kanyang naputol na hinlalaki.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., muling ‘functional’ ang kanang kamay ni Facundo matapos ang operasyon sa tulong ng isang Foundation.
Si Facundo ay naputulan ng daliri noong Hunyo matapos ang umano’y panggigitgit ng China Coast Guard sa Ayungin Shoal.
Sa kabila ng insidente, nagpahayag si Facundo ng kagustuhang bumalik sa serbisyo sa BRP Sierra Madre upang ipagpatuloy ang kanyang tungkulin.