South Korean actor Kim Soo-hyun, bibisita sa Manila

Nakatakdang bumisita sa Pilipinas ang South Korean actor na si Kim Soo-hyun, na kilala sa kanyang mga palabas na “One Ordinary Day” at “It’s Okay to Not Be Okay.”

Ang Korean actor ay magsasagawa ng fan meeting sa June 10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Read More:  ‘2 Valid IDs’ highlights struggles of wife seeking financial aid for sick husband

Ang anunsyo ay isinagawa ng isang homegrown clothing brand, kung saan kinuha si Kim bilang endorser noong 2021.

Read More:  Bianca Manalo, Sherwin Gatchalian remain friends after breakup

Sa kanilang social media pages, sinabi ng Bench na ang tickets ay available para sa single-receipt purchases ng kanilang regular-priced items na nasa P550 para sa general admission hanggang sa P10,000 para naman sa VIP pass. //MHEL PACIA-TRINIDAD