South Africa, nakapag-detect ng bagong COVID variant

Na-detect ng South African scientists ang panibagong coronavirus variant na may multiple mutations.

Pero sa ngayon ay hindi pa maditermina ng mga eksperto kung mas nakakahawa ito o kung kaya nitong matalo ang immunity na ibinibigay ng mga bakuna bago ang infection.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Base sa research, ang bagong variant, na kilala ngayon bilang C.1.2. ay unang na-detect noong Mayo, at sa kasalukuyan ay kumalat na ito sa karamihan ng mga probinsya sa South Africa at sa pitong iba pang bansa sa Africa, Europe, Asia, at Oceania.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Taglay nito ay maraming mutations na may koneksyon sa iba pang variants na may mataas na transmissibility at mas mababang sensitivity sa mga neutralizing antibodies.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang laboratory tests upang malaman kung kaya ng antibodies na i-neutralize ang C.1.2. variant.