Source code sa halalan – bubuksan ng COMELEC

Aarangkada na sa Lunes, October 14, ang pagsusuri sa source code na gagamitin para sa automated election system (AES) sa eleksyon sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, kasama sa prosesong ito ang source code para sa Full Automation System with Transparency Audit/Count (FASTrAC) at Online Voting and Counting System (OVCS) para sa mga Filipino voters abroad.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Dagdag pa nito, bukas ang kanilang tanggapan para sa mga grupo at partidong nais silipin ang integridad ng gaganaping eleksyon.

Aniya, ang source code, kung saan naroroon ang election management system, automated counting machine, consolidated canvassing system, secure electronic transmission service, at online voting and counting system ay maaaring rebyuhin ng mga interesadong organisasyon bilang paghahanda sa maayos na botohan.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Aabot ng hanggang huling linggo ng Disyembre ang pagsusuri.