Nagtipon sa UP Oblation ang University of the Philippines Cinema (UP Cinema) at iba pang progresibong grupo para alalahanin ang ikasampung anibersaryo ng pagkamatay ni Jennifer Laude.
Nagsindi ng kandila ang mga miyembro ng mga grupo, matapos isagawa ng UP Cinema ang libreng screening ng “Call Her Ganda,” isang pelikula ni PJ Raval noong 2018.
Ang pagtitipong ito ay nagsilbi rin bilang sigaw ng hustisya, kasunod ng paggarantiya ng “absolute pardon” kay US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2020, kahit na convicted ito ng homicide noong 2015 para sa pagkamatay ni Laude.
Mababatid na si Laude, isang 26-anyos na transwoman, ay natagpuang patay sa isang motel room sa Olongapo City noong October 11, 2024.
Nakalubog ang ulo nito sa toilet, at puno ng pasa at gasgas ang buong katawan.