Batas na layong alisin ang mother tongue bilang medium of instruction mula Kinder to Grade 3 – batas na matapos mag-lapse into law

Ganap nang batas ang hakbang na naglalayong alisin ang paggamit ng Mother Tongue bilang medium of instruction o paraan ng pagtuturo sa Kindergarten hanggang Grade 3.

Ito ay matapos mag-lapse ng Republic Act (RA) No. 12027 into law noong October 10.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sa ilalim ng batas na ito, ang medium of instruction ay ibabalik na sa Filipino at English, habang ang regional languages naman ay magsisilbi bilang auxiliary media ng pagtuturo.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Samantala, maaari pa ring ipagpatuloy ang paggamit ng Mother Tongue bilang medium of instruction hanggat nakasusunod ito sa mga requirements sa ilalim ng batas.