Sorsogon Police Provincial Office, safety seal certified na

SORSOGON CITY – Safety Seal certified na  ang Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) matapos na  makapasa sa mga pamantayan ng Safety Seal Certification.

Ang inspeksyon ay pinangunahan ng DILG-RO5 kasama ang mga miyembro nito na kinabibilangan ng NAPOLCOM R5; PNP R5; BFP R5; at BJMP R5. 

Kabilang sa mga naging batayan nito ang pagkakaroon ng Camp Escudero ng mga magagandang gusali, ang sarili nitong mga townhouse na maaaring magamit bilang quarantine facility para sa mga tauhan ng PNP.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Kaugnay nito, tiniyak naman ng pamunuan ng Pulis Kasanggayahan na ang buong kampo ay pangangalagaan ang kanilang ‘spic at span’ offices, pananatilihin ang mahusay na pamamahala ng basura, at ang mahigpit na pagpapatupad ng mga COVID-19 protocol para sa kaligtasan ng kanilang hanay.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Ang Safety Seal Certification ay isang boluntaryong pamamaraan ng sertipikasyon na nagpapatunay na ang isang establisyimento ay compliant sa minimum public health standards na itinakda ng gobyerno at ginagamit o isinasama ang staysafe.ph. sa kanilang contact tracing.