Tumagilid ang isang pampasaherong jeep kaninang umaga sa may bahagi ng Prk. 1, Libas, New Cabalan.
Sakay nito ang labing-anim na pasahero na karamihan ay papasok na sa kanilang mga trabaho.
Ayon kay Police Executive Master Sgt. Alex Obien, imbestigador sa pangyayari, sa inisyal na imbestigasyon ay nawalan umano ng preno ang driver.
Para hindi mahulog sa kabilang bahagi ng kalsada na mas delikado ay pinili ng driver na si Ariel Evangelista na ilaglag na lamang ang sasakyan sa lugar kung saan may ginagawang road widening.
Dagdag pa ni Obien, accident prone area ang lugar kung saan naaksidente ang jeep.
Ayon naman kay Evangelista, maayos naman siya at maging ang kanyang mga pasahero ay ligtas rin lahat dahil mabagal lamang ang takbo ng sasakyan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
