Sorsogon City Urban Poor Affairs Office walang ipinalabas na kautusan na paalisin ang mga residente; wala pa umanong relocation site

Nilinaw ng Sorsogon City Urban Poor Affairs Office na wala silang ipinapalabas na kautusan na agad nang paalisin sa kanilang mga bahay ang mga residenteng sakop ng urban poor sa ilang barangay sa lungsod partikular ang Brgy. Balogo.

Sa pahayag na ipinalabas ng nasabing opisina, walang katotohanan ang kumakalat na umanoy kautusan.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Inaabisuhan aniya nila ang publiko na huwag maniwala sa kumakalat na walang katotohang impormasyon.

Makipag- ugnayan lamang sa kanilang opisina kapag may mga katanungan at nais linawing pahayag.

Una nang nagsagawa ng validation ang SCUPAO sa mga bahay na tatamaan ng extention ng Rizal St. na tatagos sa Coastal rd ng lungsod.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ito ay upang masiguro na mabibigyan ng maayos na malilipatan ang mga residenteng maaapektuhan o tatamaan ng pagbubukas ng Rizal St. extension.