1 estudyante patay, 21 sugatan matapos sumabog ang fire extinguisher sa isinagawang fire drills sa Thailand

ISANG estudyante ang patay habang 21 ang sugatan matapos sumabog ang fire extinguisher sa kalagitnaan ng pagsasagawa ng fire drill sa Rajavinit Mathayom School sa Bangkok, Thailand.

Batay sa ulat, isang 18-anyos na senior highschool student ang binawian ng buhay sa insidente matapos na tamaan ng sumabog na fire extinguisher.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Sa imbestigasyon, nababad sa init ng araw ang fire extinguisher at dahil gawa ito sa carbon dioxide, sumabog ito at naging sanhi ng insidente.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Samantala, nagpahayag naman ng pakikiramay ang Punong Ministro ng Thailand sa pagkamatay ng estudyante.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulisya kabilang ang mga tagapagturo ng fire drills exercise sa paaralan.### HARLIN LUMIBAO, Intern