Sorsogon City Proposed Revised Revenue Code, ipinagpaliban pansamantala

Pansamantala munang idinefer o ipinagpaliban ng Sangguniang Panlungsod ang diskusyon sa bagong Proposed Sorsogon City Revised Revenue Code of 2023 dahil hindi pa umano ito compliant sa Article 276 ng Implementing Rules and Regulations o IRR ng RA 7160 o ang Local Government Code of 1991.

Ayon kay Bacon District City Councilor Glenn Olbes, dapat umano ay kasali sa mga public hearings ang lahat ng sektor na maaapektuhan ng pagbabago ng City Revenue Code na nakasaad sa Art. 276 ng IRR ng RA 7160.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon pa sa opisyal, wala naman umanong  problema kung magpapatupad ng bagong tax code ang lungsod, sa kondisyon na naayon ito sa proseso ng batas.

Ang kasalukuyang ginagamit na City Revenue Code ay 2011 pang naipasa at 2012 naipatupad na kung tutuusin aniya ay dapat mayroong bagong Revenue Code ang bawat LGU sa loob ng bawat tatlong taon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa ngayon, ang Committee on Budget, Finance and Appropriation ay kumukuha ng comparative ng mga local tax code para sa gagawing adjustment ng lungsod.