2 NPA na may kinakaharap na kasong multiple attempted murder, arestado

Dalawang miyembro ng New People’s Army na sabay na nakalista bilang municipal most wanted persons (MMWP) ng San Fernando Police sa Masbate ang inaresto bilang bahagi ng agresibo at walang tigil na kampanya ng Police Regional Office 5 (PRO5) laban sa kriminalidad.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Kinilala ang mga ito na sina Renan Altiche na itinuturing na Rank No. 7MMWP at Leoncio Abad. Ang mga ito umano ay kasapi ng Platun 2, Laranga 1, Komite Probinsyal 4 sa pamumuno ni Eliseo Cabarles alias ‘Kiko.’

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Pinatawan ng korte ang dalawang akusado ng tig-P120K na piyansa.

Ang arresting team ay binuo ng pinagsamang mga operatiba ng San Fernando MPS, 502nd MC ng RMFB5, RSOU5, 96IB Charlie Coy at ng 96MICO.