DOH, nagbabala laban sa mga pekeng social media page ng ahensya

Nagbabala ang Department of Health tungkol sa kumakalat na pekeng Facebook page na may pangalang “DOH Hotnews.”

Ayon sa DOH, ginagamit ng naturang page ang pangalan at logo ng tanggapan upang magaya mismo ang ahensya, dahilan kung bakit nagkakaroon ng misleading at false information ang publiko.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Dahil dito ay binigyang-diin na rin ng kagawaran ang kahalagahan ng pag-verify sa pagiging totoo ng mga online sources, lalo na sa mga usaping maka-aapekto sa kalusugan ng mga Pilipino.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ang pagpapaalala ng health department ay bahagi ng nagpapatuloy na mga hakbang ng ahensya para malabanan ang misinformation, at upang matiyak na nakatatanggap ang mga tao ng tama at maaasahang impormasyon.