Sorsogon Bay ligtas na sa red tide

SORSOGON CITY – Inalis na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ibinabang shellfish advisory o red tide sa Sorsogon Bay nitong Agosto 2 ng kasalukuyang taon.

Maaari na umanong kumuha, magbenta at kumain ng mga uri ng shellfish na galing sa Sorsogon Bay.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sinabi pa ng BFAR na hindi pa tinatanggal ang red tide warning sa coastal waters ng Milagros, Masbate; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Western Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur; Murcielagos Bay sa Zamboanga Del Norte; Murcielagos Bay sa Misamis Occidental; Balita Bay sa Mati City Davao Oriental at Lianga Bay sa Surigao Del Sur na nananatiling positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Hindi pa umano maaaring kumuha, magbenta at kumain ng mga shellfish mula sa mga parte ng karagatan na ito.