SORINTRAFED maghihigpit sa implementasyon ng IATF protocols sa mga PUJ’s hinggil sa special travel permit

SORSOGON CITY – Tiniyak ng Sorsogon Integrated Transport Federation (SORINTRAFED) na nasusunod ng kanilang mga miyembro ang Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines bago ang mga ito payagang makabiyahe.

Sa pahayag ni SORINTRAFED President Ramon Dealca, sinabi ito na ang nasabing polisiya ay suportado ng Board Resolution ng kanilang pederasyon kung saan sinumang jeepney driver o operator na hindi tatalima sa protocol ng ahensya ay hindi maaaring mapayagan na makabiyahe.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ang mga panuntunang ito ay kinabibilangan ng pagkakaroon ng special permit, kinakailangan din na ang nasabing behikulo ay nainspeksyon ng Land Transportation Office (LTO) upang masigurong mayroon itong barrier para sa physical distancing at 50% sitting capacity at dapat na mayroon ding sanitizer na magagamit ng mga pasahero.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na nakipag-ugnayan na siya sa pamunuan ng Sorsogon City PNP upang tulungan silang tukuyin ang mga jeepney driver at operator na hindi sumusunod sa nasabing patakaran upang masiguradong tanging mga jeepney lamang na lehitimong mayroong special travel permit ang papayagang makapamasada, gayundin upang maiwasan ang mga insidente ng paglabag tulad ng overloading at pagpapasakay ng mga pasaherong walang facemask o faceshield.