BICOL—Panibagong record high na bilang ng recoveries ang naitala sa Bicol region base sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) Bicol.
Umabot kasi sa 660 ang mga bagong gumaling kung saan 500 nito ay mula sa Naga City. Ayon sa DOH, base ito sa naisumiteng listahan ng lungsod simula noong nakaraang linggo na ngayon ay na-validate na.
71 naman ang mula sa lalawigan ng Albay, 50 sa Camarines Sur, 32 sa Sorsogon at pito sa Catanduanes. Sa kabuuan ay umaabot na sa 12,505 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol region.
Samantala, umabot naman sa 144 ang mga bagong kasong nadagdag kung saan pinakamarami nito ay nagmula sa Albay na mayroong 62 kung saan 17 nito ay mula sa bayan ng Daraga.
12 sa lungsod ng Legazpi, siyam sa lungsod ng Ligao, tiglima ang bayan ng Camalig at Malilipot, tatlo sa bayan ng Polangui, tigdadalawa ang mga bayan ng Bacacay, Guinobatan, Malinao at Sto. Domingo at tig-iisa naman ang mga bayan ng Rapu-Rapu, Tiwi at lungsod ng Tabaco.
51 bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan sampo nito ay mula sa Naga City, tig-anim ang bayan ng Miloar at Pili, apat sa bayan ng Magarao, tatlo sa lungsod ng Iriga, tigdadalawa ang mga bayan ng Bula, Calabanga, Canaman, Goa, Libmanan, Tigaon at Tinambac at tig-iisa naman ang mga bayan ng Baao, Buhi, Cabusao, Gainza, Garchitorena, Lupi, ragay at Sipocot.
Ang lalawigan ng Sorsogon ay nagtala ng 25 bagong kaso kung saan 11 nito ay mula sa Sorsogon City, anim sa Prieto Diaz, tigdalawa ang bayan ng Gubat at Irosin at tig-iisa ang mga bayan ng Barcelona, Bulan, Matnog at Sta. Magdalena.
Apat na bagong kaso ang nadagdag sa lalawigan ng Masbate kung saan tatlo nito ay mula sa bayan ng Mobo at isa sa bayan Cataingan.
Dalawang bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan isa nito ay mula sa bayan Jose Panganiban at isa naman sa bayan ng Labo.
Zero new case naman ang lalawigan ng Catanduanes matapos na bigo itong makapagpadala ng specimens.
Sa kabuuan, ay umaabot na sa 18, 590 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Bicol region.
14 na panibagong pagkasawi naman ang naitala kung saan 11 nito ay mula sa Albay at isa sa lungsod ng Naga. Sa kabuuan ay pumalo na sa 637 ang death toll ng sakit sa rehiyon.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.
𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###