PH, di low-risk sa COVID-19 cases- WHO

Nagbabala ang isang opisyal ng World Health Organization (WHO) sa Department of Health (DOH) kaugnay ng COVID-19 messaging nito dahil mayroon umanong mga implikasyon sa pagklasipika sa Pilipinas bilang “low risk” para sa COVID-19.

Ayon kay WHO representative to the Philippine Dr. Rabindra Abeyasinghe, hindi nasa low-risk ang Pilipinas sa future COVID-19 cases dahil nasa paligid lamang ang virus ngayong mayroong pandemic.

Aniya, dapat ay mas maging maingat ang lahat  at dapat ay maging consistent ang gobyerno sa mensahe sa gitna ng health crisis dahil kailangang malaman ng publiko na nananatili pa rin ang banta ng virus kaya kailangan pa ring sumunod sa protocols at minimum public health standards.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Mababatidd na una nang sinabi ng DOH na nasa low-risk classification na ang bansa para sa COVID-19 case trend matapos maitala ang negative growth rate sa mga kaso at mababang average daily attack rate.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Pero giit ni Abeyasinghe, ang pagbibigay ng maling mensahe ay posibleng magdulot ng mas mababang compliance sa minimum public health standards.

Isa pa, napakalayo pa ng bilang ng nabakunahan sa Pilipinas sa rate na kinakailangan para maiwasan ang major surges sa hinaharap.

Sa kabila nito, pinuri naman ng opisyal ang bansa sa pagpapatupad ng mga hakbang para maiwasang kumalat locally ang mas nakakahawang Delta variant.